Martes, Mayo 10, 2011

College Na Pala Ako?

o talaga? college na ako? haha. time flew so fast! parang kelan lang e kasabay lang ako ni niña pagpasok sa school gate natin nung first year! haha! hayz.
parang di ko maisip na.. yun nga, college na’ko. magkakanya-kanya na kami ng mga classmates ko. wala nang asaran, kulitan, kakengkoyan, daldalan, lahat na! di na’ko makakaexperience ng super duper quality time with ano… [haha!] sa college, hindi na ma’am or sir ang tawag sa kanila. mga professors na. tapos yung karamihan sa kanila, mga terror! tsk! di na’ko makaka-experience ng “teamwork” during exam or quizzes! siguro, magkakaron ng ganun kaso rarely nalang siya. in other words.. gagapang ka talaga makakuha lang ng uno o dos. tres e lucky ka na nun! tsk. kita mo yan.. uno, dos, tres, kwatro o singko! anu ba namang tawag sa mga grades yan?! parang ewan lang e! pwede namang sabihin na 99, 90, 85, 80 or 75! pahirap talaga o! hehe!
teka, anu yung mga thesis? research works? oral defense? mid-term exams? hay naku.. anu yang mga yan? ginagawa ba yan ng mga normal na tao? parang babasahin mo palang yang mga yan e nakakatakot na gawin! para bang d’yan nakasalalay ang buhay mo?! pag hindi satisfied ang profs nyo, ibabagsak ka nila. ora mismo! waaaaah! nakakaloka naman yan! parang nung high school e projects at reports at outputs lang ang tawag sa mga yan. kahit di mo ipasa yan on-time, bibigyan ka ng pardon ng mga teachers. ok lang sa kanila. (depende na nga lang kung yung teacher e hindi strict!) haha!
malawak na yung lugar na gagalawan natin sa college. unlike sa school ko, e halos lahat ata ng estudyante dun e kilala mo. haha! panu na pag college na? syempre, madaming mga colleges at faculty ang bawat universities or colleges na’tin. it’s impossible na ma-remember mo yung pangalan ng bawat tao dun. teka, hindi na nga pala principal ang tawag sa pinakamataas na position sa department. dean na ang tawag. jusmiyo! what the heck! parang ewan lang e..
eto. the best. ang class schedules na’tin? naku. aabutin ng siyam-siyam bago matapos ang klase mo! hindi na siya yung tipong mga 1 hr lang. mga 2 hours na siguro ang pinakamahina every class! waaaa! e kung sa loob ng isang oras e medyo natitigang ako at inaantok. e panu pa kaya yung dalawang oras? di kaya mapalabas ako ng prof ko kasi mahuhuli nya akong tulog?! wahahaha!
meron kayang classroom dun sa papasukan kong college e parang mala-OLOL ang dating? may stage, me movable chalkboard, me isang dispalinhadong fan na nakatambak, cartesian plane na babara na, garbage place na mapapa-WOW ka kasi mukha talagang tambakan ng basura, me terrace na alanganin na yung isang salamin, me kumakabog na pinto pag mahangin, movable walls/dividers, at iba pa? hmn.. siguro wala na. wala nang tatalo sa classroom na yun. sana, alagaan nalang ng mga susunod pang magiging OLOL.
OLOL `o9…
lagi nalang ninyo tandaan na kayo ang nag-mold sa’kin into a better person. kung hindi dahil sa inyo, hindi ako ganto ngayon. ang galing nga e! 2 years tayong magkakasama. walang nabawas sa’tin hanggang 4th year! nung 3rd year, 40 na tayo sa iisang silid-aralan. me mga nadagdagan, me nabawasan, at meron din namang mga nagbalik. hindi ko pinagsisisihan na naging classmates ko kayo. lahat kayo e napamahal sa’kin. sobra!
minsan meron tayong mga conflicts and problems na napagdaanan. buti nalang e nalagpasan na’tin lahat yun. kasama yun sa growing part natin. hindi talaga maiiwasan yun. dun kasi, tinitingnan yung tatag natin sa buhay.
syempre, hindi matatawaran yung mga kasiyahan na sama-sama nating pinagsaluhan. sa loob at labas man yan ng room. ng building. ng school. ng tanay. ng rizal. at ng manila. labas pa nga ng NCR e! nakaabot pa tayo ng baguio di ba?! haha! di ko talaga makakalimutan yun! masyadong madami para i-enumerate ko yung mga yun! :D
di na’ko makatitiyak na kayong lahat e makikita ko pa ng buo. syempre medyo kanya-kanyang lakad na tayo ngayon. masakit man isipin pero totoo siya. hayz. basta, mag-iingat kayo lagi ha.. sana makagawa tayo ng tamang decisions sa buhay natin. wag malilihis ng landas a! haha! peace! xD
teka.. teka..
college na nga ba talaga ako?! :p

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento